WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Aabot ng ilang buwan! Publiko pinag-iingat sa aftershock

Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na tatagal ng ilang buwan ang nararanasang aftershocks mula sa naganap na 6.8 magnitude earthquake sa Davao Occidental kaya dapat maging alerto ang mga residente.

Sinabi ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol na hindi dapat balewalain ang babala sa aftershocks lalo at maaaring magkaroon ng malakas na ground shaking na magreresulta sa Earthquake-induced landslides, rock falls, mass movement sa mga sloping terrains at kabundukan.

Sa primer na ipinalabas ng Phivolcs, ipinaliwanag nito na kaya madalas ang lindol sa Sarangani, Davao Occidental at kalapit na mga lugar ay dahil sa malapit ito sa mga offshore active faults at trenches, kabilang dito ang offshore fault sa east ng Davao Occidental at sa Cotabato Trench bukod pa sa mga nakapaligid na local faults.

Tinukoy din ng Phivolcs na ang paggalaw ng Cotabato Trench ang pinagmulan ng 6.8 magnitude kamakalawa.

“Gumalaw ang Cotabato trench. It’s the same earthquake generator during that time 1976. There was a magnitude 8.1 earthquake” paliwanag pa ni Bacolcol.

Aniya, may lalim na 72 km ang tumamang lindol, mas mainam na malalim ang lindol dahil mas hindi ramdam ang epekto nito kumpara kung mababaw na mas malaking pinsala ang maidudulot.

Sa ngayon, ayon sa Office of Civil Defense ay umabot na sa 11 katao ang napabalitang nasawi sa Davao quake. Dalawa ay nawawala habang nasa 500 katao ang naitalang naapektuhan at nag-panic. (Tina Mendoza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on