WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Bus na may 20 sakay nasunog

Isang pampasaherong bus na bumabiyahe sa Pigcawayan, North Cotabato ang nasunog, Sabado ng umaga, November 18.

Masuwerte namang nakaligtas ang 20 pasahero na sakay ng bus kabilang ang driver at konduktor.

Agad dumating ang mga bumbero sa lugar para apulahin ang nasusunog na Mindanao Star Bus.

Ayon kay Pigcawayan town police chief Maj. Andres Sumugat, mechanical error ang posibleng pinagmulan ng sunog.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. (Natalia Antonio)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on