WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Leptospirosis sa Bacolod gumapang, 14 todas

Paiigtingin ng Bacolod City Council ang kampanya laban sa banta ng leptospirosis, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan kung saan nababahala na sila sa 14 na namamatay dahil sa sakit na nakukuha sa daga.

Nagpalabas ng resolution si Councilor Claudio Puentevella, chairperson ng City Council committee on health, kasama ang pamunuan ng barangay at City Health Office (CHO) na palakasin ang kampanya laban sa banta ng leptospirosis.

Ayon kay Puentevella, base sa tala na nakuha mula sa Department of Health (DOH), mula January 1 hanggang September 2, nakapagtala sila ng 3,728 suspected cases ng leptospirosis, kumpara noong nakaraang taon na kung saan mula January hanggang October ay nakapagtala na ng 80 leptospirosis cases with 14 fatalities.

Paliwanag ni Puentevella na kailangan nang kumilos laban sa impeksyon ng daga at palalakasin ang information drive para malaman ang naidudulot at pinagmulan ng nasabing sakit. (Vick Aquino)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on