WebClick Tracer

METRO

QCPD may libreng sakay sa 3 araw na tigil-pasada

Tiniyak ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGeneral Redrico Maranan na makakapasok sa paaralan at trabaho ang mga commuter sa kabila ng tigil-pasada ng transport group na PISTON ngayong Lunes hanggang sa Miyerkoles.

Ayon kay Maranan, nasa 25 sasakyan ang inihanda nila para maisakay ang mga pasaherong maaapektuhan ng tigil-pasada partikular sa Quirino Highway LTO hanggang Quirino Hill Top; Quezon Avenue hanggang Munoz; at Quirino Highway -Tandang Sora hanggang Quirino Highway-Mindanao Avenue.

Maglalagay din ng libreng sakay sa Tandang Sora hanggang Mindanao Avenue; Novaliches Bayan hanggang Mindanao Avenue cor. Quirino Highway; Sta. Lucia/Community Regalado; P. Tuazon Boulevard hanggang 20th Avenue; Edsa Kamias hanggang Projects 2 at 3; Ermin Garcia/EDSA; Quezon Ave/Roces; Quezon Ave/Sct Borromeo; EDSA/Quezon Avenue; Matalino/Matatag; Gate 1 at 2, QC Hall; at Commonwealth corner Tandang Sora.

Samantala, magtatalaga rin ang QCPD ng mga personnel para magsagawa ng foot, mobile, motorcycle at checkpoint patrol para hadlangan ang anumang ilegal na aktibidad sa tigil-pasada.

(Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on