WebClick Tracer

METRO

Rider nag-last trip sa 10-wheeler mixer

Lucena

Todas ang isang rider nang mabangga ito sa 10-wheeler mixer at saka tumilapon sa concrete barrier sa Silang, Cavite noong Sabado.

Isinugod pa sa Asian Medical Hospital ang biktimang si Paul Rodriguez Merciales pero idineklara itong dead on arrival ng mga doktor dahil sa tinamong mga pinsala sa ulo at katawan.

Kinilala naman ng driver ng 10-wheeler mixer na si alyas Jeric.

Sa ulat, lulan ng Yamaha NMax ang biktima habang bumabagtas sa kahabaan ng Gov. Drive sa barangay Old Bulihan, Silang, Cavite nang mabangga ito ng minamanehong mixer ng suspek.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang biktima at tumama ang katawan nito sa isang concrete barrier.

(Gene Adsuara)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on