Pumoste ang dalawang Fil-Am player mula sa Las Vegas ng magkasunod na sorpresang alpas na mga panalo, kabilang ang 2-6, 6-2, 10-6 kina Olivarez Cup champions Fritz Verdad at Rolly Saga para tumapak sa MITF National Open Tennis Championships men’s doubles semifinals sa Metropolis courts in Iloilo City.
Bumalikwas sina Andre Alcantara/Xavier Calvejo sa mabagal na simula sa unang salang sa shell court noong Sabado sa pagkalos kina Verdad/Saga sa decider para upuan ang unang silya sa Last Four.
“We want to thank PPS (Palawan Pawnshop) for inviting us. It was a really great experience for me and my partner, Xavier Calvelo,” bulalas ni Alcantara, 16, na No. 500 sa International Tennis Federation ranking at No. 2 sa US Ranking Sectional.
“We were able to play with some really good players and it was the first time we got to play on shell courts. I learned a lot from Eric Jed (Olivarez) about how to change the pace of the game,” hirit pa niya.
Si Calvejo, 17, ay may ITF ranking No. 300 at No. 1 sa US Ranking Sectional.
Samantalang mga taga-Bicol at Quezon City ang mga magulang ni Alcantara, buhat naman ang kay Calvejo sa La Union at Pangasinan. Unang binulaga ng tambalan sina No. 4 pair Nilo Ledama /Justin Suarez, 4-6, 6-1, 10-5.
Kapwa pangarap din ng dalawa na katawanin ang ‘Pinas sa malalaking kompetisyon, gaya ng Davis at Asian Games.
Sunod sa landas nila ang mananalo kina Vicente Anasta/Noel Damian vs Alexis Acabo/Eric Tangub.
Ang isa pang magtutuos semis sa torneong parte ng Palawan Pawnshop program ni president/CEO Bobby Castro, ang top seed Josshua Kinaadman/Eric Olivarez vs Jude Ceniza/Noel Salupado, at Jose Maria Pague/Bryan Saarenas kontra Miguel Iglupas/Joewyn Pascua.
Sina No. 1 Kendrick Bona at Hanna Divinagracia ang naghati sa top honors ng 18-and-under juniors Group I category sa La Paz courts. Tinumba ni Bona si Ian Ituriaga, 6-0, 6-0, samantalang dinomina ni Divinagracia si Louraine Jallorina, 6-1, 6-2.
Pinigilan nina Elemar Sealiza at Alexandra Onte sina Francis De Juan, 5-4(6), 5-3, at Aleeva Suace, 4-0, 4-1, para manaig sa consolation pool.
Samantala darayo sa Big City ang event para sa Rep. Edwin Olivarez Cup sa Dec. 1-10 sa Olivarez Sports Center sa Parañaue tampok ang Open, Legends at Juniors, habang ilalarga ang Dagitab Festival sa Dec. 12-21 sa City of Naga, Cebu.
Para sa mga detalye pa at pagpaparehistro, kontakin si event organizer Bobby Mangunay sa 0915 404 6464. (Abante TONITE Sports)