WebClick Tracer

NEWS

50 exotic pest galing Thailand naharang

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang misdeklaradong mga exotic pest galing sa Thailand na dumating sa Sub-Port of Central Mail Exchange Center (CMEC) noong November 13, 2023.

Sa pamamagitan ng mahigpit na screening sa mga postal items gamit ang x-ray scanning at physical examination, natuklasan sa isang parcel na may laman itong 50 pirasong isopods, invertebrates na idineklarang mga candy.

Ang nakumpiskang mga exotic pests ay walang kaukulang import permit clearance mula sa Bureau of Plant Industry (BPI). (Otto 0sorio)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on