Dapat ay nu’ng Linggo ang announcement ng new movie na gagawin ni Alden Richards.
Naghintay ang kanyang mga fan dahil sa nakasulat na “New Movie Alert! November 19, 2023 Live at 2:00PM.”
Ayon sa aming source may pinag-uusapan pa kaya naurong ito.
Co-producer pa rin si Alden ng movie under his Myriad Productions at ang magiging ka-collab niya sa pelikula ay ang Viva Films at Studio Viva. Iba siguro ito sa unang nabalitang movie na gagawin ni Alden sa Viva Films na pagtatambalan nila ni Julia Barretto dahil ang ka-collab ng Viva ay ang GMA Pictures at APT Entertainment.
Ibig sabihin nito, puwede nang gumawa ng pelikula si Alden at ang kanyang film company na hindi kasama ang GMA Pictures? Kaya nga marami ang naghintay sa announcement to know more about Alden’s new film.
May lumabas na teaser sa magiging role ni Alden sa movie na , “No Objections. No further questions. Something is out of order.” Tila pahiwatig na lawyer ang magiging role ni Alden sa nasabing pelikula.
Nabanggit ni Alden na for 2023 and 2024, gagawa siya ng mga pelikula .
Pinanindigan niya ito dahil sa ‘Five Breakups and A Romance’ at ang 2023 MMFF entry nila ni Sharon Cuneta na ‘Family of Two.”
Anyway, a few day ago, nakita si Alden sa San Pablo, Laguna na tila nago-ocular inspection .Ang hinala ng mga fan, tungkol sa gagawing bagong pelikula ang rason nito. May dala raw itong makapal na parang script ang tingin ng fans.
Puwede ring isiping para sa new business na itatayo sa San Pablo, Laguna ang pa-ocular inspection na ‘yun ni Alden dahil parang hindi mga taga-showbis ang kanyang kausap at kasama.
Anyway, malapit na uli mag-mall show. si Alden para sa promo ng ‘Family of Two.’ Ang susunod dito ay cinema visit at pag-attend sa napakaraming block screening. So far, ang total na pa-block screenings for Alden para sa FBAAR ay 58. Kung isasama ang pa-block screenings for Julia Montes at Michael Sager, umabot sa 67 ito. Mahigitan kaya ang number of block screenings ng ‘Family of Two?” Hintayin natin at tiyak, hindi magpapatalo ang mga fan ni Sharon Cuneta.