Nababahala si Angelica Panganiban sa kanyang bone disease na na-detect.
Nararamdaman daw siya nang sobrang pananakit if she goes ordeal treatments.
Kuwento niya, “Nu’ng nanganak ako, wala na akong time na pansinin ‘yung mga masakit sa akin.”
In-open up niya sa kanilang Homans vlog ang kanyang personal struggle—her battle with avascular necrosis.
Aniya, naramdaman daw niya ang pananakit ng kanyang hips nu’ng pinagbubuntis niya si Bàby Bean.
Lagi raw siyang hindi mapakali noon, pero inaakala lang niya dahil buntis siya
“Six months into pregnancy, meron na akong mga nararamdamang sakit sa may hips,” alaala niya.
“Hindi ko actually ma-pinpoint noon kung sa hips, sa leg, sa likod or sa puwitan. ‘Yun ang mga struggles ko noon.”
“Nagtanong-tanong ako sa mga doktor and friends ko na naging mommy na rin, and lahat naman sila sinasabi na it’s part of pregnancy.
“So nu’ng nanganak ako, wala rin talaga akong time na pansinin kung ano ba talaga ‘yung mga masakit sa katawan ko.”
Binalewa raw niya ang nararamdaman at nagyoyoga pa rin daw siya.
Nang bumiyahe raw siya ng Palawan ay doon daw siya nakaramdam ng matinding pananakit ng balakang na pati ang paglalakad niya ay nahihirapan siya.
Agad siyang nagp- medical. Nirekomenda ng doktor na magpa-therapy at mag-provide ng medication compatible with her breastfeeding routine.
Gumana naman daw ang therapy pero sandali lang daw dahil muli siyang nakaramdam na naman ng pananakit.
Dinala maman siya ng kanyang fiance sa.bone specialist.
“Namatay na ‘yung mga bones ko sa balakang. Kaya pala hirap na ako maglakad,” lahad ni Angge.
“Nung una, ang sabi sa akin ay surgery, parang joint replacement na parang nakakatakot pakinggan.
“So naghanap ako ng doctor na magkakaroon ng conservative approach.
“So bumalik kami sa pagsaksak ng PRP sa hips ko. This time, nag-drill sila ng hole.
“In-inject nila yung PRP directly doon sa dead bone. Di ko inakala masakit siya, tulo nang tulo yung luha ko.”
Nakaramdam daw siya ng awa sa sarili.
Sa ngayon ay medyo okey na raw siya sa tulong ng mga dasal ng kanyang mga pamilya at mga kaibigan. (Beth Gelena)