WebClick Tracer

METRO

Antipolo LGU, SM Cherry nagsanib sa serbisyo-publiko

Nagsanib sa paghahatid ng serbisyo-publiko ang Antipolo Local Government Unit, SM Cherry Antipolo.

Ito’y matapos na magkatuwang na nilagdaan nina Antipolo City Mayor Jun Ynares at Junias M. Eusebio, Vice President for Operations ng SM Supermalls ang isang kasunduan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at SM Supermalls para sa pagtatatag ng Government Service Express sa SM Cherry Antipolo.

Ang GSE ang magsisilbing karagdagang satellite office ng pamahalaang lungsod para sa mamamayan nito sa lower Antipolo.

“Ang araw na ito patunay ng mas magandang samahan ng ating gobyerno at pribadong sektor para maisulong ang good governance at mas mapabuti at mas mapalapit ang public service sa Antipolo,” ayon kay Mayor Ynares.

Sinaksihan naman nina John Brian M. Tarnate, Asst. Vice President Central B Operations; at Atty. Cedrick Justice U. Capiral, City Legal Officer, ang paglagda sa memorandum of agreement.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on