Magkakaroon ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo na epektibo umano ngayong Martes, Nobyembre 21, subalit barya lamang ito.
Base sa magkakahiwalay na abiso sa publiko ng ilang kompanya ng langis, aabot sa 65 sentimo kada litro ang bawas-presyo sa krudo habang 75 sentimo naman sa gasolina.
Magkakaroon din umano ng tapyas-presyo sa kerosene ang ilang kompanya ng langis na aabot sa 60 sentimo kada litro.
Kabilang sa mga nag-anunsyo ng pagbaba sa kanilang mga produktong petrolyo ay ang Caltex, Cleanfuel, Jetti, Petro Gazz, Seaoil at Shell. Inaasahang susunod na rin mag-abiso ng bawas-presyo ang iba pang kompanya ng langis.
Ito na ang ikatlong linggo na bumaba ang presyo ng gasolina habang apat na linggo na ang ibinaba sa halaga ng krudo at diesel.