WebClick Tracer

NEWS

Bigas papalo hanggang P48 per kilo sa December

Inaasahan ng Department of Agriculture (DA) na maglalaro sa P41 hanggang P48 per kilo ang presyo ng bigas sa Disyembre.

Sa isinagawang briefing nitong Lunes, Nobyembre 20, nagtanong si House committee on agriculture and food chairperson at Quezon Rep. Mark Enverga kaugnay ng “price prediction for rice” ng DA para sa susunod na buwan.

Sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa na inaasahan nila na ang presyo ng well-milled rice ay P48 kada kilo habang nasa P41 hanggang P43 naman ang regular milled rice.

Ayon kay De Mesa, inani na ang mahigit 95% ng mga palay sa bansa at karamihan sa mga ito ay nabili sa P20 hanggang P23 kada kilo. Ang nalalabi umano ay premium grade na ng bigas.

Tinanong ni Enverga kung mayroong sapat na suplay ng bigas sa unang bahagi ng 2024 at kinumpirma naman ito ni De Mesa.

“As I mentioned, going into first quarter, our production is 90 days. Right now it’s 80 days without additional imports,” dagdag pa ni De Mesa. (Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on