WebClick Tracer

METRO

Buhok, dugo sa SUV kumpirmadong kay beauty queen

Kinumpirma ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na sa nawawalang beauty pagent contestant na si Catherine Camilon ang duguang babae na binubuhat at inilipat sa pulang Honda CRV.

Ito ang kinumpirma kahapon ni CIDG Director Police Major General Romeo Caramat Jr., matapos na magtugma ang kinuhang DNA profile sa ina ni Camilon sa nakuhang mga hibla ng buhok at dugo sa inabandonang CRV na nakuha sa Batangas City.

Ayon kay Caramat, base ito sa inilabas na resulta ng PNP Forensic Group kahapon matapos ang isinagawa nilang test nitong nakaraang Linggo.

Bunga nito ay lalong lumakas ang kaso laban sa mga suspek dahil tumibay ang pahayag ng mga saksi. Gayunma’y kailangan pa umano ng pulisya na magdagdag ng karagdagang ebidensya na magdidiin sa mga ito.

Kamakailan ay narekober ang pulang Honda CRV na inabandona sa Barangay Dumuclay, Batangas City.

Sa pagsisiyasat ng Forensic Group ay nakakuha ng 17 hibla ng dugo at 12 patak ng dugo sa nasabing SUV.

Nauna na ring sinampahan ng kasong kidnapping and serious detention ang suspek na sina Police Major Allan de Castro, na umano’y karelasyon ni Camilon, ang driver/bodyguard nitong si Jeffrey Magpantay, na kinilala ng dalawang saksi na tumutok ng baril sa kanila nang makita nilang binubuhat ang duguang babae at inililipat sa pulang CRV, gayundin ang dalawang John Does.(Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on