WebClick Tracer

NEWS

DSWD dinikdik sa cash ayuda scam

Kinalampag ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Department of Social Welfare and Development para silipin ang umano’y ayuda scam sa Davao region.

Ibinunyag ni Pimentel sa deliberasyon ng Senado sa panukalang budget ng DSWD kamakailan na may ilang benepisyaryo ng cash ayuda ng gobyerno ang nakatanggap lamang ng P1,000 sa halip na P5,000 hanggang P10,000 na dapat mapasakamay nila.

Sinabi naman ni Senador Imee Marcos, sponsor ng badyet ng DSWD, na nakapagtala ang ahensiya ng 61 katao na naging biktima ng ayuda scam sa Davao De Oro at Davao Del Norte.

Nangyari umano ang insidente bago pa ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections noong Oktubre 30, 2023.

Ayon kay Pimentel, dapat lamang na mag-imbestiga ang DSWD kung paanong na-scam ang mga benepisyaryo ng cash ayuda.

“We shall await the results of the department, kasi mabigat yung allegation. Ten percent lang yung nakuha nila. That is the allegation that we wanted to be investigated by the department,” wika pa ng senador.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on