WebClick Tracer

METRO

Hepe tinutukan ng UP police sa presinto

Nagsagawa ng manhunt operation ang mga otoridad laban sa isang University of the Philippines (UP) police na nanutok ng baril sa kanyang hepe at kasamahan sa Quezon City, nitong Sabado.

Sa report ng Quezon City Police District – Criminal investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), inireklamo ng grave threats nina Kit Buenaventura, 50, UP Director of Public Safety and Security Office at Raymundo Cabauatan, UP police ang kasamahan na si Jonathan Bantugan, 40.

Batay sa imbestigasyon, nangyari ang insidente nitong Nobyembre 18, sa loob ng UP Police Station, sa Brgy. UP Campus, Diliman, QC, alas-3:30 ng madaling araw.

Nabatid na dumating sa lugar sina Buenaventura at Cabauatan mula sa pagpapatrolya sa UP campus nang sumulpot ang lasing na si Bantugan at biglang tinutukan ng M16 rifle ang dalawa.

Agad namang naawat ng mga kasamahan si Bantugan sa panunutok.

Nagtungo naman kay QCPD CIDU chief P/Maj. Don Don Llapitan sina Buenaventura at Cabauatan at inireklamo si Bantugan.

Pinuntanan ng mga pulis sa pangunguna ni PCMS Noel Balleras ang bahay ni Bantugan subalit hindi na nila ito naabutan.

Gayunman, nakuha sa bahay nito ang isang replica ng M-6 Rifle; dalawang magazine ng M16 at 18 live ammunitions ng cal. 5.56 mm. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on