WebClick Tracer

NEWS

Japanese nakalawit sa pekeng visa

Nadakma ng mga Bureau of Immigration (BI) agents sa Ninoy Aquino Terminal 1 (NAIA) ang isang Japanese national matapos magtangkang umalis ng bansa gamit ang pekeng Special Resident Retiree’s Visa (SRRV).

Ang suspek ay nakilalang si Yoshiaki Nakamura, 64, na pasakay sana sa Philippine Airlines flight patungong Osaka kamakalawa, November 19.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ini-refer si Nakamura para sa secondary inspection at matapos ang forensic document laboratory ay natuklasang peke ang SRRV na nakadikit sa kanyang pasaporte.

“Such actions violate Philippine immigration laws and warrant serious consequences,” saad ni Tansingco. “We remain committed to safeguarding the integrity of our immigration system and will take decisive action against those attempting to deceive or defraud it” dagdag pa ng opisyal.

Ang naarestong Haponesa ay idi-detine sa BI’s Warden Facility habang ginagawa ang deportation procedures. (Otto Osorio/Mina Navarro)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on