WebClick Tracer

NEWS

Kamara binawi mga expired na plakang `8’

Nag-isyu ng isang memorandum ang Kamara de Representantes upang bawiin ang mga expired na plakang “8” na inilabas sa mga nagdaang Kongreso.

Sa isang memorandum, sinabi ni House Secretary General Reginald Velasco na ang mga expired na plakang “8” ay dapat isuko sa Office of the Secretary General.

Nauna rito ay hiniling ni Velasco sa Metropolitan Manila Development Authority MMDA) at Land Transportation Office (LTO) na hulihin ang mga sasakyan na gumagamit ng expired na plakang 8.

Ang plaka na numero 8 lang ang nakalagay ay ibinibigay sa mga kasalukuyang miyembro ng Kamara de Representantes. (Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on