WebClick Tracer

SPORTS

Kat Tolentino, Titans dadagitin F2

Kakapitan ng Choco Mucho ang No. 2 sa pagsandal kay Katrina Mae ‘Kat’ Tolentino pagharap sa F2 Logistics sa 6th Premier Volleyball League 2023 2nd All-Filipino Conference elims ngayon (Martes) sa PhilSports Arena sa Pasig.

Kasalo ng Flying Titans ang Chery Tiggo sa pangalawang puwesto tangan ang tig 6-1 (won-lost) records habang ang Cargo Movers na may 4-4 ay nakasiksik sa three-way tie sa No. 6 ng team standings.

Puntirya ng Titans ang seven-game winning streak sa alas-6:00 ng gabi torneo na inoorganisa ng Sports Vison Management Group, Inc. at mga suportado ng Mikasa, BingoPlus, ArenaPlus, Smart, Rebisco, Milcu, Kumu, Asics at SportRadar.

Sa huling rampa ng Choco sa tabig sa Petro Gazz sa four-set noong Huwebes, mahalagang sumukli si Tolentino ng 13 points sa 17 ni Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina habang bakas pa ng 10 si Ma. Lina Isabel ‘Isa’ Molde.

Ibabangga naman ng Cargo Movers sina Jolina Dela Cruz, Victonara ‘Ara’ Galang, Ivy Lacsina, Abegail ‘Aby’ Marano at Mary Joy ‘Majoy’ Baron sa mga laro na mapapanood Live, PVL.ph, One Sports, One Sports+, at Smart Livestream app . (Elech Dawa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on