WebClick Tracer

SPORTS

LeBron James, LA ungos sa Houston

Puminta ng season-high 37 points si LeBron James huli ang go-ahead free throw 1.9 seconds na lang sa orasan at pinigil ng Los Angeles Lakers ang Houston Rockets 105-104 sa 78th NBA 2023-24 regular season game Linggo ng gabi.

Mula sa floor ay maangas na 14 of 19 sa floor (2/5 sa 3s) si LeBron, 7/9 sa free throws para ilista ang panglima niyang 30-point game ngayong season. May palamuti pang 6 rebounds, 8 assists, 3 steals ang 38-year-old.

Kaagahan ng laro, naging pang-apat na player si LeBron sa kasaysayan ng NBA na namigay ng 10,500 assists. Inakbayan niya rin si Vince Carter sa seventh place ng 3-pointers list sa naipong 2,290, at nilagpasan si Clyde Drexler sa eighth ng steals list sa 2,208.

Nagdagdag ng 27 points, 10 rebounds si Anthony Davis bago na-fouled out 58 seconds pa. May 17-6-6 off the bench si Austin Reaves sa LA (8-6).

Hindi naisalba ng 24 points mula season-high 6 3-pointers ni Dillon Brooks at 23 ni Alperen Sengun ang Rockets (6-5). Nalimitahan sa 3/10 shooting si Jalen Green.

Itinabla ng layup ni Sengun 4 seconds na lang, mula sa timeout ay binigay ni Reaves ang bola kay James na umatake sa basket at na-foul ni Tari Eason.

Sablay ang unang free throw ni James, pumasok ang pangalawa. Wala nang timeout ang Houston, naitawid ni Brooks ang bola sa midcourt pero offline ang huling attempt. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on