WebClick Tracer

NEWS

LTFRB lumambot sa palit-jeep, prangkisa extension

Bukas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) humarap sa isang dayalogo sa pagitan ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston) upang plantsahin ang mga isyu nito laban sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program.

Sinabi ito ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III sa unang araw ng tigil-pasada na ikinasa ng Piston nitong Lunes, Nobyembre 20.

Para matapos na ang tatlong araw na tigil-pasada, nakipag-usap ang mga opisyal ng LTFRB sa grupo ni Mody Floranda ng Piston.

Hinihiling ng Piston na ibalik sa limang taon ang prangkisa ng mga jeepney at sinabi naman ni Guadiz na bukas sila na pag-usapan ito.

“Iyong area na puwede namin pag-usapan, iyong five-year na franchise nila. We are willing to sit down with them and agree to that, sabi ni Guadiz.

Sa isyu ng mga tradisyunal na jeepney, sinabi ni Guadiz na hindi naman agad-agad papalitan ang mga ito at depende pa rin sa pag-inspeksyon ng Land Transportation Office (LTO) kung papayagan bumiyahe basta matiyak na “roadworthy” pa ito.

Siniguro naman ni Guadiz na kanilang pag-aaralan ang mga kahilingan ng Piston subalit ipinahiwatig ng LTFRB chief na posibleng hindi mapagbigyan ang pag-urong sa deadline ng consolidation na hanggang Disyembre 31, 2023 na lamang.

“Sa ngayon kasi binibigyan lang namin sila ng provisional authority na one year para i-timing po namin ito sa modernization program. But the moment na sumali sila sa modernization program puwede pa rin naman po namin ibigay ‘yung five years na hinihingi nila,” sabi ni Guadiz. (Natalia Antonio/Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on