Ramdam na on high spirits pa rin si Michelle Dee. Ito ay sa kabila ng hindi niya pagkakasungkit ng korona ng 72nd Miss Universe.
Sabi niya sa panayam ni Dyan Castillejo, sobra siyang nagpapasalamat sa halos 100% na suporta sa kanya ng mga Pinoy. At sey niya rin, binigay rin niya ang lahat.
“Ultimately I left it to destiny. Of course, it’s not the result that we wanted, but as long as all of you saw the hardwork, not just me but the whole team gave, that’s enough for me,” sey niya.
Nagpasalamat din si Michelle sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang mommy na si Melanie Marquez na nanood talaga. Her glam team, sa mga trainor niya. Nanghinayang lang ito na hindi siya nagkaroon ng chance na umabot sa Question and Answer na sana, naipamalas din niya ang talino niya sa pagsagot.
Sey nga niya, “Sayang hindi ako nakahawak ng mic, if anything, I was training the whole year to make sure that moment, walang butas.
“But again, it’s all about destiny.”
Sa weekend pa matutupad ang hiling ni Kylie Padilla na umuwi na raw sa Pilipinas si Michelle dahil after ng coronation, isa si Michelle sa naimbitahan na pumuntang Mexico.
“I’m excited to know what’s in store. I’ve never been to Mexico. Kaya it would be a once in a lifetime opportunity for me. I have created a very good relationship with Ms. Mexico here also… kaya I’m just looking forward to what’s next. I’m very multi-faceted, multi-passionate and all those, ipagpapatuloy ko lang.”
By November 26 or 27 naman daw siya uuwi ng bansa. At sigurado, may naghihintay pa rin sa kanyang bonggang homecoming.