WebClick Tracer

SPORTS

Musong Castillo hanep sa PSA golf

Sinalpak ni Roso ‘Musong’ Castillo ng Philippine Daily Inquirer ang two-under 70 sa ilalim ng System 36 format upang sungkitin ang overall title sa 9th Philippine Sportswriters Association (PSA) Golf Cup noong Biyernes sa Manila Southwoods Golf and Country Club sa Carmona, Cavite.

Sinangkalan ng PDI assistant sports editor ang krusyal na birdie sa may paikot na tubig na par-3 No. 16 ng Legends Course sa solidong pitching wedge para daigin ang dalawang karibal sa overall championship sa pagbuhay sa taunang torneo na pinagkaabalahan ng MSGCC.

Naging dikdikan ang salpukan sa pangakalahatang titulo makaraang pantayan nina Castillo, Jong Arcano ng Inquirer Golf at Dr. Ian Laurel ang one-under par patungo sa huling butas.

Iginawad kay Arcano ang Class A crown sa 71 habang ungos si Artemio ‘ Jun’ Engracia Jr. kay Eduardo ‘Dodo’ Catacutan ng spin.ph para sa segunda via countback makakalipas ang par 72 ng dalawang player.

Sa Class B, si PSA president at Philippine STAR sports editor Nelson Beltran ang champion sa 81.

Kinopo rin ni Dr. Laurel sa kartadang 71 ang sponsors and friends division, ungos si Philippine Football Federation secretary general Coco Torre kay PFF president Mariano ‘Nonong’ Araneta Jr. para sa pangalawa pagkaposte nila ng 73s.

Ikalawa si Daily Tribune golf editor Marc Anthony Reyes sa Class B sa 83, lusot kay Aldrin Quinto ng spin.ph sa countback sa torneong mga piadrinuhan ng ICTSI, San Miguel Corp., PFF, Philippine Airlines, Rain or Shine, NorthPort, Philippine Basketball Association, Premier Volleyball League, Sen. Chiz Escudero, Milo Best Center, Akari, ACES, Shakey’s, Batangas Rep. Eric Buhain at ng MacBeth. (Abante TONITE Sports)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on