Sasabak agad sa trabaho si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. pagdating sa bansa mula sa biyahe sa Amerika upang malaman ang sitwasyon sa malakas na lindol na yumanig sa Davao Occidental noong Nobyembre 17.
Ayon sa Pangulo, natatanggap niya ang mga report at update mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno subalit nais niyang makausap agad ang mga opisyal pagdating sa bansa.
“Once I get back, we can sit down and talk about it and see what the latest situation is,” sabi ng Pangulo sa mga opisyal na nakausap niya sa sa virtual meeting nitong Linggo (Nobyembre 19) pagdating sa Honolulu, Hawaii.
Naganap ang malakas na lindol sa Davao Occidental noong Biyernes (Nobyembre 17) habang dumadalo ang Pangulo sa 30th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit sa San Francisco, California. (Aileen Taliping)