Sino raw itong mambabatas na iniwanan ng kanyang kabit matapos magpakasal sa ibang lalaki?
Ayon sa nakuhang impormasyon ni Mang Teban, naanakan daw ng mambabatas itong babae dahil sa panggigigil sa kaseksihan nito noong dalaga pa ito.
Maganda naman ang esmi ng mambabatas pero tanders na kaya naghanap ng sariwang pechay ang ating bida.
Iginarahe pa raw ng mambabatas itong bebot as in binili ng bahay sa isang subdivision na may kasama pang van. Sa isang okasyon naman, nagregalo ng Chedeng itong mambabatas sa kanyang betka.
Bukod diyan, kapag nagkikita ang dalawa ay nagbibigay ang mambabatas ng P100,000 na sustento.
Ang problema, natigil ang pagbibigay ng ayuda pati na ang churvahan na isa sa pinaka-importante sa pagsasama.
Napilitan tuloy magtrabaho itong babae at nakahanap ng bago niyang papa na kayang magbigay sa kanya ng nilagang talong at sarsiyadong itlog anumang oras nitong gustuhin.
Sinikap daw ng mambabatas na bawiin ang kanyang kabit pero too late the hero na siya dahil nagpakasal na ito sa ibang lalaki.
Clue: Ang lawmaker na iniwan ng kanyang kabit ay may kapangalan din na mambabatas.