WebClick Tracer

METRO

Wantusawa sa alak, kelot nalunod

Todas ang isang lasing na lalaki nang malunod sa beach resort sa Brgy. San Isidro, General Luna, Quezon nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang 55-anyos na biktima na si Rodolfo.

Ayon sa report, nag-overnight outing ang biktima kasama ang mga kaibigan sa resort at halos magdamag nag-inuman.

Dakong alas-3:00 ng madaling araw NAng magpasya ang biktima na maligo sa dagat subalit makaraan ang ilang minuto ay hindi na ito lumitaw.

Agad itong hinanap ng mga kasama hanggang sa matagpuang nakalutang na at walang malay alas-3:40 na ng madaling araw.

Isinugod agad ito sa Bondoc Peninsula District Hospital sa bayan ng Catanauan subalit idineklara na itong dead on arival ng doktor. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on