WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Politiko bet tumakbong yorme, namudmod ng ayuda

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong mambabatas na namumudmod ng ayuda sa isang siyudad dahil sa plano nitong tumakbong alkalde sa 2025 elections?

Ayon sa nakuhang impormasyon ni Mang Teban, tumataginting na P3,500 daw ang binibigay na ayuda ng mambabatas sa mga residente ng isang siyudad.

Walang hinihinging kapalit ang mambabatas maliban sa kopya ng voter’s ID at precinct number para maberipika na botante talaga ng siyudad ang humihingi ng ayuda.

Kinailangan daw gawin ito ng mambabatas dahil matatapos na ang kanyang termino sa 2025 at ayaw nitong maging tambay ng tatlong taon kaya naisip na tumakbong yorme.

Medyo bigatin kasi ang makakalaban ng mambabatas, ito `yung mister ng outgoing mayor kaya ngayon pa lamang ay binubusog na niya sa kuwarta ang mga botante ng kanilang siyudad.

Malaki-laki na rin ang naipon nitong mambabatas dahil sa mga nakukuhang kickback sa proyekto kaya naman kinaya nitong mamudmod ng tig-P3,500 na ayuda sa bawat botante.

Clue: Ang mambabatas na tatakbong mayor kaya namumudmod ng ayuda ay may letrang A sa kanyang pangalan as in ayuda.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on