WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Gov’t exec ‘iniputan’ ng deputy sa kolehiyala

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong opisyal ng gobyerno na nasalisihan ng kanyang deputy sa inaalagaang kolehiyala?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, kilalang maangas itong opisyal ng gobyerno, aba’y gustong gayahin ang idol niyang senador kaya nagbabalak tumakbo sa 2025 senatorial elections. Bansagan natin siyang si “Boy Nagger.”

Pero tulad ng ibang kalalakihan, mahilig din sa tsikababes itong maangas na government official. Katunayan, may scholar daw itong bebot. Siya ang gumagastos sa pag-aaral ni inday sa kolehiyo. Sa gabi, siya naman ang nagbibigay ng sex lesson sa babae.

Ang problema, mukhang hindi epektib si professor este Boy Nagger sa pagpapaligaya sa kolehiyala dahil may karibal itong totoy mola sa katauhan ng kanyang deputy.

Kapag nasa trabaho pala itong si kuya o kaya ay kasama ang kanyang esmi, sumasalisi ang kanyang deputy at pinopopoy si kolehiyala nang libre.

Natuklasan daw ni Boy Nagger ang sexcapade ng dalawa kaya agad na pinatanggal sa boss ang kanyang deputy. Nag-imbento ito ng rason na kurakot daw si deputy, pero hindi lang nito matanggap na iniputan siya ng kanyang julalay.

Eh paanong hindi magagalit si govt exec, parang siya kasi ang nagtanim ng palay pero ibang tao ang bumayo at kumain.

Ang masaklap nito, dobleng kamalasan ang inabot ni Boy Nagger. May ginawa kasing kapalpakan sa trabaho itong si kuya kaya sinabihan siya ng kanyang boss na “pasyal pasyal ka muna, Boy!” Ang kinuhang OIC sa kanyang puwesto, walang iba kundi ang matulis na dati niyang deputy.

Clue: Ang government official na iniputan ng kanyang deputy ay may kapangalan na politiko.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on