WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Gov’t exec ‘nagpasabog’ sa banyo ng airport

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong opisyal ng gobyerno ang ‘nagpasabog’ sa airport sa Taiwan?

Ayon sa nakalap na impormasyon ni Mang Teban, pauwi na raw sa Pilipinas itong government official nang mangyari ang hindi inaasahan sa airport.

Tumambay daw sa VIP lounge itong opisyal dahil business class ang tiket nito pauwi ng ‘Pinas.

Doon ay nilantakan nito ang iba’t ibang pagkain lalo pa at libre ito as in walang bayad.

Maya-maya lang, hindi na mapakali ang opisyal at agad tumayo at nagtatakbo patungong comfort room.

May ibang tao raw sa comfort room nang pumasok itong opisyal at pag-upo nito sa banyo ay agad na narinig ang napakalakas na ‘pagsabog.’

Agad na naglabasan sa CR ang mga tao dahil hindi nila kinaya ang amoy, daig pa ang amoy ng patay na hayop.

Inabot daw ng kalahating oras sa inidoro itong opisyal at pagkatapos ay bumalik sa kanyang upuan sa lounge pero hindi na kumain sa takot na may kasunod pa ang pagsakit ng tiyan.

Clue. Ang government official na nagpasabog sa banyo ng airport ay nanilbihan din sa nagdaang administrasyon.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on