WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Gumigimik lang? Politiko doble-kara sa mga nanay

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong politiko na doble kara pagdating sa kapakanan ng mga nanay at sanggol?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, ipinagmalaki kasi ng politiko na mahalaga sa kanya ang mga nanay at sanggol kaya gumagawa ito ng paraan para matulungan sila at maibsan ang kanilang paghihirap.

Nagpabida pa ang politiko tungkol sa bigat ng dinadala ng mga nanay lalo na kung sila ay buntis dahil kailangan nilang alagaan ang kanilang kalusugan pati na ang sinapupunan upang maging malusog ang magiging supling.

Bet din ng politiko na ipagbawal ang hindi pagtanggap ng mga ospital o mga lying-in clinic sa mga manganganak nang nanay upang mapababa raw ang bilang ng mga namamatay sa panganganak.

Ang classic nito, ang mommy ng politiko ay namatayan pala ng staff dahil sa pagkakuripot nito sa kanyang mga empleyado.

Hindi man lang daw kasi binigyan ng health card ang mga staff kaya nagtiis sa lying-in clinic ang isa nitong empleyado at doon nategi.

Sinabi ng ilang bugoy na kung hindi nagtipid ang mommy ng politiko, baka buhay pa ngayon ang staff na namatay sa panganganak.

Clue: Ang politiko na doble kara sa pagsusulong ng kapakanan ng mga nanay ay puwedeng i-relate sa mga bahay.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on