WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Politiko tinakbuhan P280M utang sa congressman

hulaan

Sino raw itong kongresista na naglulupasay ngayon matapos hindi bayaran sa utang na P280 milyon ng isang politiko?

Ayon sa nakuhang impormasyon ni Mang Teban, nagbigay daw ng P280 milyon itong kongresista sa negosyo ng politiko sa pag-aakalang titiba ito.

Bukod dito, gusto raw kasing sumipsip ni congressman sa paksyon ng bigating politiko kaya naman panay ang hatag niya ng puhunan sa negosyo nito.

Ang masaklap, hindi kumita ang negosyo ng politiko dahil inabot lang yata ito ng isang taon at agad nang nagsara.

Hindi man lang daw naibalik ang puhunan ni congressman, aba’y daig pa raw nito ang natalo sa casino, sabong, tong-its at kung anu-ano pa.

Noong sinisingil na ni congressman itong politiko, itinuturo naman nito ang ibang tao na siyang sumunog umano sa kanyang datung.

Feeling ni congressman, niloloko lang siya ng politiko kaya naghamon ito na magkaroon sila ng teleconference para magkaalaman na.

Hindi naman makasuhan ng estafa ni congressman itong politiko dahil baka siya ang mabaligtad at habulin ng BIR dahil sa pagkakaroon ng limpak-limpak na salapi na hindi deklarado sa kanyang SALN.

Clue: Ang kongresista na nabudol ng politiko ay may letrang A sa kanyang pangalan, habang may A din sa pangalan ng politiko.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on