WebClick Tracer

SPORTS

Giannis Antetokounmpo, Damian Lillard sakalam werpa

Nakipagsabayan muna sa first half ang Milwaukee Bucks bago kumalas sa second at madali nang ipinagpag ang New York Knicks 146-122 para sumampa sa semifinals ng NBA In-Season Tournament nitong Martes.

Sa likod ng 35 points ni Giannis Antetokounmpo at 28 ni Damian Lillard, pinoste ng Bucks ang season-high sa scoring tampok ang 23 for 38 shooting (60.5 percent) mula 3-point range.

Katapat ng Milwaukee ang Indiana sa semis ng inaugural In-Season Tournament sa Las Vegas umpisa sa Biyernes (araw sa Manila).

Namigay pa ng 10 assists si Antetokounmpo.

Umiskor ng season-high 41 points si Julius Randle pero naputol ang three-game winning streak ng New York. Nagdagdag ng 24 si Jalen Brunson at 23 kay RJ Barrett.

Nakahirit ng wild-card berth sa knockout round ang Knicks sa bisa ng point-differential tiebreaker.

Manipis na 75-72 lang ang abante ng Bucks sa break bago pinabuka sa 18 sa third quarter. Nang lumobo sa 27 ang lead sa fourth, inubos na ni coach Adrian Griffin ang kanyang bench.

Tatlong step-back 3s ang tinuhog ni Lillard bago natapos ang first half. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on