WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Gov’t exec angkas pamilya sa biyahe abroad

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong opisyal ng gobyerno na madalas magbiyahe sa abroad kasama ang asawa at mga anak?

Ayon sa nakuhang impormasyon ni Mang Teban, itong opisyal ay pinuno ng isang government-owned and controlled corporation (GOCC).

Tulad ng ibang ahensiya ng gobyerno, matindi rin ang banggaan ng mga taong nagtatrabaho sa kanyang opisina as in walang unity.

Ang resulta tuloy, hindi natutumbok ang mga target ng ahensiya dahil na rin sa palpak na pamamalakad ng opisyal.

Ang matindi nito, imbes na ayusin ang mga problema, aba’y dinadaan na lamang nito sa pamamasyal sa abroad gamit ang mga gasgas na dahilan na dadalo sa conference.

Buti sana kung solo flight lang ang opisyal, aba’y kasama pati ang asawa na nagtatrabaho rin sa ibang ahensiya ng gobyerno.

Kung minsan, sinasama rin nila ang kanilang mga anak kapag walang pasok kaya ang resulta ay parang excursion tuloy ang pinuntahan ng government official.

Hindi naman daw nasisita ang biyaherang opisyal dahil ang pinaka-bossing niya ay mahilig din mangibang bansa. Mapapa-sana all na lang talaga ang ibang empleyado ng gobyerno.

Clue: Mahuhulaan nyo ang pangalan ng opisyal kung mahilig kayo sa mga cocktail drinks.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on