WebClick Tracer

SPORTS

Jacob Cortez, tropa masaklap shooting

Game 2 sa Linggo

(SM Mall of Asia Arena)

12:30 pm – Awarding Ceremony

2 pm – SBU vs MU

Bokya si Jacob Cortez sa first half kaya olats ang San Beda University kontra Mapua University, 63-68, sa 99th NCAA Seniors Basketball Finals Game 1 Miyerkoles ng hapon sa SM Mall of Asia Arena, Pasay.

Hindi siya nakaiskor sa unang dalawang quarter, at nakapagtala lang ng 12 points sa final half, maging ang ang iba pang shooters ng Red Lions dehins din nakaporma – limang triple ang naisalpak sa 32 tira.

Aminado si Mapua team captain Warren Bonifacio na malulupit ang shooters ng Beda kaya pinaghandaan nila ang mga ito.

“Alam naman natin San Beda is deadly sa three points,” saad ni Bonifacio. “Ilang araw rin kami nag-practice takbuhan at close out sa three points nila, buti maganda naging resulta sa game.”

Tumikada si James Payosing ng 14 markers para sa Red Lions na reresbak sa Game 2 sa Linggo. (Elech Dawa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on