WebClick Tracer

SPORTS

Jema Galanza, Cool Smashers ilulubak Crossovers

Mga laro ngayon

(Philsports Arena)

4 pm – Creamline vs Chery Tiggo

6 pm – Choco Mucho vs Cignal

Pahahabain ni Jessica Margaret ‘Jema’ Galanza and company ang 11-game eliminations winning streak ng Creamline sa muling pagpara kontra Chery Tiggo sa siklab ng 6th Premier Volleyball League 2023 2nd All-Filipino Conference best-of-3 semifinals ngayon (Huwebes) sa Philsports Arena, Pasig.

Sa tig-16 points nina Galanza at Diana Mae ‘Tots’ Carlos, binundol ng defending champion Cool Smashers ang Crossovers sa elims sa four-set noong Nov. 28 kaya sobrang liyamado sa alas-4:00 ng hapong rematch.

Nagsumite pa ng 10 markers si Jeanette Panaga para tabunan ang nag-iisang pagpalag ni Maylee Paat sa Chery na umiskor ng 11 sa paliga ng Sports Vision Management Group, Inc. na mga suportado ng Mikasa, BingoPlus, ArenaPlus, SMART, Rebisco, Milcu, Kumu, Asics at SportRadar.

“What’s really important is our mindset going into the games on Thursday and Saturday. Let’s focus on the semifinals first, and then we’ll see what we can do in the semis. The team will still improve. The battle is not over yet,” saad ni Creamline coach Sherwin Meneses.

Pantapat ni Chery drillmaster Aaron Valez sa trio ng karibal bukod kay Paat sinuman kina Pauline Marie Monique ‘Ponggay’ Gaston, Jennifer Nierva at Maria Shaya Adorador sa torneong mga ineere ng Pilipinas Live, PVL.ph, One Sports, One Sports+ at SMART Livestream app. (Gerard Arce)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on