WebClick Tracer

SPORTS

Kevin Quiambao, Green Archers  namayagpag

Pumana ng 24 points, 9 rebounds, 4 assists, at 2 blocks si Kevin Quiambao nang tuhugin ng De La Salle University ang University of the Philippines, 73-69, sa knockout Game 3 at tangayin ang kampeonato ng 86th UAAP Men’s Basketball Tournament Miyerkoles ng gabi sa Big Dome.

Ang makinang na pinakita ang nagtanghal din sa Season Most Valuable Player at Rookie of the Year para gawaran ng Finals MVP at best player of the game sa pagbabalik-trono ng Green Archers mula sa pitong taong tagtuyot sa titulo.

Masaklap na senaryo naman para sa Fighting Maroons na tapos tambakan ng 30 puntos ang Taf-based squad sa Game 1 (97-67) ay sumala ding muli sa sumunod na dalawang salpukan.

Kagayang tagpo ito noong isang taon nang kopoin din ng Diliman-based hoopsters ang series opener laban sa Ateneo De Manila University, pero tirik din sa Games 2-3 at nagbigay ng korona sa Blue Eagles.

May malaking kontribusyon din si Evan Nelle sa DLSU sa 12 markers, 7 feeds, 6 boards at 2 steals para sa ika-10 titulo ng La Salle sa game na sinaksihan ng 25,192 miron sa balwarte ng Peyups.

Aminado si Topex Robinson na dehins madali ang tagumpay para sa kanya at tropa.

“We know that it’s gonna be hard. Winning a championship is gonna be hard,” sey ng La Salle coach. “Playing against the top college team in the country right now is gonna be hard.”

(Abante TONITE Sports)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on