WebClick Tracer

METRO

Mag-erpat sinalpok ng tsekot

Todas ang isang ama habang malubhang nasugatan ang kanyang anak matapos salpukin ng rumaragasang kotse ang sinasakyan nilang “garong” (isang uri ng tricycle) sa national highway sa San Juan, Ilocos Sur kamakalawa.

Ayon sa San Juan Police Station (SJPS), ang namatay na ama ay si Samson Guzman habang ang kanyang anak na nasa ospital pa ay si Sam, 16, parehong taga-nasabing bayan.

Sa report ng SJPS, sa CCTV na kanilang hawak na kuha na national highway, makikita ang pagdaan ng garong na sinasakyan ng mag-ama nang banggain sila sa likuran ng isang kotse.

Sinabi ng otoridad, inamin umano ng driver ng kotse na nakainom ito ng alak at sa bilis ng kanyang takbo ay hindi niya napansin ang garong na minamaneho ni Samson.

Sa imbestigasyon, ayon sa SJPS traffic investigator, sa lakas ng impact, humiwalay ang sidecar sa motorsiklo at tumilapon si Samson ilang metro mula sa crime scene at nagtamo ng malalalim na sugat sa ulo at katawan sanhi ng kanyang pagkamatay habang si Sam ay sugatan.

Dinala ang driver ng kotse sa pulisya at nagkaroon na umano ang pag-uusap sa pagitan ng suspek at pamilya ng mga biktima.

(Allan Bergonia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on