WebClick Tracer

NEWS

NCR, Calabarzon binulabog ng ‘bomba’

Pitong ulat ng bomb threat ang natanggap ng Philippine National Police (PNP) sa Metro Manila at Region 4A (Calabarzon) kung saan pasasabugin umano ang ibat-ibang ahensya ng gobyerno.

Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) chief at Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, lahat ay nirespondehan ng pulisya kung saan ang mga bomb threat sa mga government office ay kinabibilangan ng National Economic and Develpoment Authority (NEDA), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Interior and Local Government (DILG) at National Museum, pero negatibo at wala silang nakuhang bomba sa mga ito.

Ang bomb threat ay nagmula umano sa isang e-mail ng nagpakilalang isang abugadong Japanese national na si Takahiro Karasawa. Sinabi nito na may itinanim siyang high performance bomb sa ilang gusali sa Mero Manila.

Ayon pa kay Fajardo, hindi ito ang unang beses na kumalat ang nasabing e-mail. Galing umano sa ibang bansa ang nagpakalat nito.

“Last September and October ay mayroong kumalat ng mga ganitong e-mail at iniimbestigahan na ng ACG. Siguro because of what happened sa Marawi ay gustong sakyan ang pangyayari na ito,” saad ni Fajardo.

“Nakipag-coordinate na po sila (ACG) sa ating foreign counterparts to trace ang origin ng e-mail na ito. Hindi lang sa Pilipinas kumalat, kumalat din sa Taiwan, sa China, at South Korea using the same name na Japanese lawyer na si Takahiro Karasawa,” dagdag ni Fajardo.

Nauna ng itinaas ng PNP ang heightened alert sa National Capital Region (NCR) kasunod ng naganap na pambobomba sa Mindanao State University (MSU) na ikinasawi ng apat katao at ikasugat ng 45 iba pa.

(Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on