WebClick Tracer

NEWS

DOJ kakalikutin batas kontra ilegal na droga

Plano ng Department of Justice (DOJ) na magdaos ng isang drug summit sa susunod na taon at kasamang tatalakayin ang posibleng pagrebisa sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ipinahayag ito ni DOJ Undersecretary Jesse Andres sa National Jail Decongestion Summit na dinaluhan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan kung saan puntirya aniya na bawasan ang bilang ng mga nakukulong dahil sa ilegal na droga.

“The next big project will be the drug summit, where we will have a chance to review this law together with all the important stakeholders. And this will lead to amendments of the law so that less people will be incarcerated in relation to drug cases,” sabi ni Andres.

Nilinaw naman ni Andres na bagama’t magkakaroon ng pagbabago sa pagtrato sa mga “low-level offenders”, mas palalakasin aniya ang kampanya laban sa mga big-time drug dealer at suppliers.

Nais ng DOJ na rebisahin ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 upang silipin ang mga kaso na walang piyansa at alamin kung paano ito ibaba upang hindi magsikip ang mga kulungan.

Base kasi sa ulat ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) pinakamaraming nakukulong dahil sa ilegal na droga.

(Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on