WebClick Tracer

NEWS

Ex-agri engineering student suspek sa Marawi bombing

Ibinunyag ng isang opisyal ng Mindanao State University (MSU) sa Marawi City na dati nilang estudyante ang isa sa mga suspek sa naganap na pambobomba sa naturang paaralan noong Linggo ng umaga, Disyembre 3.

Ayon ka Atty. Shidik Abantas, secretary ng MSU, ang suspek na si Kadapi Mimbesa alyas “Engineer” ay nag-aral ng Bachelor of Science in Agricultural Engineering noong 1993 subalit huminto ito noong 1998.

Bumalik umano si Mimbesa sa MSU noong 2007 ngunit hindi pa rin natapos ang kanyang kurso.

“We were able to verify that today. We are cooperating with the investigation. We ran through our database. Nahanap namin ang pangalan niya. We are confirming na former student po namin siya,” pahayag ni Abantas sa panayam ng ABS-CBN News nitong Biyernes, Disyembre 7.

Ipinahayag pa ni Abantas na ilang faculty member aniya ng MSU ang nagsabing naging batchmate sila ng suspek at hindi inakala na ganito ang mangyayari sa kanya.

Inilarawan pa ni Abantas ang suspek na “regular college student”.

Una nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) noong Miyerkoles, Disyembre 6, na isang alyas “Engineer” ang isang suspek sa pambobomba sa MSU. May mga arrest warrant umano ito para sa mga kasong kidnapping, serious illegal detention, at illegal possession of explosive device.

(Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on