WebClick Tracer

SPORTS

Luka Doncic pasabog nagpadapa  sa Utah

Kinumpleto ni Luka Doncic ang unang first-half triple-double ng career na sinakyan ng Dallas Mavericks para ilampaso ang Utah Jazz 147-97 sa 78th NBA In-Season Tournament Miyerkoles ng gabi.

Tumapos si Doncic ng 40 points, 11 rebounds, 10 assists at hindi na pumasok sa fourth quarter. Inekisan niya ang 60th career triple-D para solohin ang ninth place ng overall career list, nilagpasan na si Larry Bird.

“Pretty amazing,” ani Doncic, sa unang pagkakataon ay nagsuot ng manipis na headband para sa first baby na ilang araw pa lang pinapanganak. “I don’t know what to say, honestly. We all know who Larry Bird was, so it’s pretty special.”

Nakuha ni Doncic ang 60 triple-doubles sa 349 regular season games, sumalang sa 897 games si Bird.

Naka-32 minutes lang sa loob si Doncic, 14 of 25 sa floor at 6 for 12 sa 3s sa American Airlines Center sa Texas.

May 90 seconds pa sa second quarter, nakaipon na siya ng 29 points, 9 rebounds, 9 assists. Hinablot niya ang 10th rebound 1:11 sa orasan, makalipas ang 12 seconds ay binigyan ng lob pass si Dereck Lively na dumakdak para sa 10th feed ni Luka.

Ito ang kauna-unahang 25-point first-half triple-double sa NBA history.

Lumayo hanggang 52 ang Mavs (12-8), humugot ng 26 points kay Kyrie Irving.

Wala sina top scorers Jordan Clarkson (injured thigh) at Lauri Markkanen (hamstring), binitbit ng 21 points ni Ochai Agbaji ang Jazz (7-14).

(Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on