WebClick Tracer

NEWS

Magna Carta ng mga marinong Pinoy pasado sa bicam

Lusot na sa bicameral conference committee ang hindi magkatugmang probisyon ng Senado at Kamara ng panukalang Magna Carta of Filipino Seafarers.

Pinamunuan ni Senador Raffy Tulfo, chairperson ng Senate committee on migrant workers, ang Senate panel habang ang House panel ay pinangunahan ni House chairperson on migrant workers at Kabayan party-list Rep. Ron Salo.

Layunin ng panukala na isabatas ang pagbibigay proteksyon sa karapatan ng mga marinong Pilipino.

Magbibigay garantiya din ito sa international community na susunod ang bansa sa mga obligasyon na itinatakda ng mga international convention para sa lahat ng mga marino.

Nakalagay din sa magna carta ang pagtatalaga ng doktor na accredited ng Department of Health (DOH) na siyang tutukoy sa angkop na disability grading; pagtatakda ng maikling panahon para sa validation at pagbabayad ng claims ng mga marino; at pagtatatag ng lugar o ‘tambayan’ na may kumpletong serbisyo tulad ng libreng tulong legal.

Tutugunan ng panukala ang usapin ng kawalan ng shipboard training para sa mga maritime graduate upang matiyak na nakakasunod ang bansa sa mga pamantayan ng European Maritime Safety Agency (EMSA).

“The bill mandates maritime higher educational institutions (MHEIs) to accommodate up to 150% of their carrying capacity for shipboard training, and require them to employ their own training ship, simulators or similar technologies, or in the absence of a training ship, to enter into agreements with domestic or international shipping companies to accept their graduates for shipboard training,” sabi ni Salo.

Inaasahan aniya na pagtitibayin ng Kamara at Senado ang bicam report sa susunod na linggo upang maipadala na ito sa Malacañang para sa pag-apruba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

(Dindo Matining/Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on