WebClick Tracer

OPINION

Peace talks sa rebeldeng komunista, tama ba o hindi?

Ely Saludar

Diretsahang kinontra ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa desisyon na pumasok sa usapang pangkapayapaan sa rebeldeng komunista.

Sa bihirang pagkakataon itong ginawang pagtutol ng Bise Presidente sa Pangulo.

Pero halatang-halata naman na ang pangunahing magkabanga sa kasalukuyang administrasyon ay sina VP Sara at House Speaker Martin Romualdez.

Kung kumontra si VP Sara sa peace talks sa Communist Party of the Philippines-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NDFP) ay agad na kumampi si Romualdez kay Marcos.

Mariin ang pagtutol ni VP Sara at kaniyang itinuturing na isang pakikipagkasundo sa demonyo ang pagsusulong ng peace talks sa CPP-NDFP.

Personal kasing nasaksihan ni VP Sara ang umano’y kawalan ng sinseridad ng rebeldeng komunista at ang mga umano’y katrayduran nito habang nakikipag-usap sa gobyerno.

Pero sa kabilang banda ay kailangan naman talaga na makamtan ang tunay na kapayapaan sa bansa at kung maaari ay isagawa sa pamamagitan ng mapayapang pag-uusap.

Kaya naman mahalagang maisulong ang usapang pangkapayapaan pero dapat patunayan ng rebeldeng komunista na sila ay sinsero at hindi magtatraydor tulad ng mga naunang nangyari kung kaya’y nadiskaril ang peace talks.

Kaya naman ang publiko ang dapat magsabi kung tama ba o hindi ang peace talks sa CPP-NDFP at marahil ay maaari itong maging basehan ng Pangulo kung dapat na ipursige ang usapang pangkapayapaan.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on