WebClick Tracer

NEWS

Sabwatan sa illegal recruitment bigatan parusa

Itinulak ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang pag-amyenda sa batas upang mas maging malakas ang kampanya ng gobyerno laban sa illegal recruitment.

Sa ilalim ng House Bill 8360, sinabi ni Duterte na ituturing nang sindikato ang pagsasabwatan ng dalawang tao para makapanloko ng mga nais magtrabaho sa ibang bansa at ang parusa ay habambuhay na pagkakulong.

“By amending RA 8042 (Migrant Workers and Overseas Filipinos Act), we would be strengthening the law against these predators who with as few as two conspirators, can commit massive illegal recruitment using technology and the internet,” sabi ni Duterte.

Kasama ni Duterte bilang may-akda ng HB 8360 sina Benguet Rep. Eric Yap, at ACT-CIS party-list Rep, Edvic Yap.

Sa ilalim ng Migrant Workers and Overseas Filipinos Act (RA 8042), ang illegal recruitment ay itinuring na gawa ng isang sindikato kapag ginawa ito ng tatlo o higit pang indibidwal. Dahil gawa ng sindikato ituturing itong economic sabotage na ang parusa ay habambuhay na pagkakulong at multang P500,000 hanggang P1 milyon.

Sinabi ni Duterte na sa kabila ng batas na ito ay nakakaisip pa rin ng mga bagong paraan ang mga illegal recruiter upang pagkakitaan ang mga nagnanais na makapagtrabaho sa ibang bansa.

(Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on