WebClick Tracer

SPORTS

Tree Treadwell, RoS raratsada

Sa pang-anim na subok, binasag din ng Rain or Shine ang win-column ng PBA Commissioner’s Cup elims sa bisa ng 115-110 win kontra Blackwater noong Sabado.

Balik ng PhilSports Arena ngayong araw ang Elasto Painters para sundan ang panalo kontra NLEX sa first game sa alas-4:00 ng hapon.

Sakaling maitawid ang pangalawang ‘W’, aakbayan ng RoS ang Road Warriors sa 2-5 at paypayan ang tsansa sa playoffs.

“We’re just trying to keep our chances alive,” ani Painters coach Yeng Guiao sa bisperas ng bakbakan. “We felt a big sigh of relief after our first win.”

Sa likod ni new import Demetrius ‘Tree’ Treadwell, nagkaroon ng pambara sa gitna ang Rain or Shine. Kontra Bossing, puminta sa pangalawang laro si Treadwell ng halos triple-double na 14 points, 18 rebounds, 7 assists.

Maganda ang chemistry ni Treadwell kina locals Andrei Caracut, Santi Santillan, Adrian Nocum. Kahit si Jhonard Clarito, nakapag-ambag. Posibleng makabalik na rin sina Beau Belga, Gian Mamuyac at Keith Datu.

“We’re also trying to fit in our import and take full advantage of his skillset,” dagdag ni Guiao. “I’m very happy with our locals and hopefully they can complement our import with balanced scoring.”

Dalawang sunod na sadsad ang NLEX, huli 97-94 sa Meralco. Hinabol ng Road Warriors ang 29-point deficit, ibinuhol sa 94 bago naubusan.

Bumida sa team ni coach Frankie Lim sina Stokley Chaffee at Don Trollano.

(Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on