WebClick Tracer

NEWS

VP Sara Duterte pinagdesisyon kung admin o oposisyon

Dapat magdesisyon si Vice President at Education Secretary Sara Duterte kung siya mananatili sa gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at susunod sa mga polisiya nito o magiging isa nang oposisyon.

Ito ang sinabi ni dating LPGMA party-list Rep. Arnel Ty, treasurer ng Partido Reporma, matapos na tutulan ni Duterte ang desisyon ng administrasyong Marcos na makipag-usap sa mga rebeldeng komunista.

“So tingin ko its either she needs to resigns or the administration needs to consider kung siya ba ay kailangang i-retain sa kanyang current position or kailangang palitan kasi mahirap yung merong kang statement against the administration which sa ngayon boss nya yun eh,” sabi ni Ty.

`Yung Presidente is her boss. Kung hindi siya agree dun sa mga decision ng administration kailangan na niyang magdesisyon,” dagdag pa nito.

Ayon kay Ty ang mga ganitong uri ng pagdedesisyon ay hindi lamang nangyayari sa gobyerno kundi maging sa mga pribadong kompanya.

Nagpahayag naman ng suporta si Ty sa usapang pangkapayapaan.

“Personally I’m supportive of the peace process and the peace talk…. dahil sa tingin ko talagang matagal ng kailangan magkaroon ng kapayapaan and in the end sabi ko nga ito naman ay panahon na hindi na ganun kalakas ang NPA so sa pananaw ko it’s about time na magkaroon tayo ng isang maayos at tuloy-tuloy na kapayapaan,” sabi pa ni Ty.

(Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on