WebClick Tracer

METRO

Babaeng negosyante ninakawan na, sinakal pa

Pinatay at ninakawan ang isang 29-anyos na businesswoman sa loob ng kanyang tahanan sa Fairview Subdivision, Baguio City nitong Miyerkules.

Ayon kay Baguio City Police Office (BCPO) chief-of-police P/Col. Francisco Bulwayan Jr., binisita niya ang mga kamag-anak ng biktima at sinabi niyang gagawin ang lahat ng kapulisan para mabigyang hustisya ang sinapit ng biktima.

Sinabi ni Bulyawan na sa ginagawa nilang imbestigation ay makikilala nila ang dalawang suspek mula sa surveillance footage na kanilang nakalap.

Sa record, ayon sa pulisya, ang pinatay na babaeng negosyante ay natagpuan ng kanilang kasambahay.

Sinabi ng BCPO investigation bureau, ang biktima ay sinakal sa pamamagitan ng sintas ng sapatos at ayon sa pulisya, nakaiwan ng ilang mga ebidensya ang mga suspek na siyang magbibigay-daan para makilala at agad na mahuli ang mga salarin.

(Allan Bergonia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on