WebClick Tracer

SPORTS

Clariss Guce swak sa LPGA Tour

Sinalba ni Clarissmon ‘Clariss’ Guce ang 72 sa sixth at final round para sa 9-under 421 sa pagsalo sa seven-way tie sa 38th place at hablutin ang isang card sa 75th Ladies Professional Golf Association Tour 2024 sa United States.

Kaugnay ito sa pagtiklop ng LPGA Q-Series nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila) sa par 72 Crossings Course ng Robert Trent Jones Golf Trail sa Magnolia Grove, Mobile, Alabama kung saan 50 ang nagka-card sa likod ng Top 45 and ties.

‘Di niya kasingpalad ang dalawa pang pambato ng ‘Pinas na mga suportado ng ICTSI (International Container Terminal Services, Inc.) na sina Pauline Beatriz Del Rosario (77-428) na pang-68 puwesto at Dottie Ardina (75-431) na pang-70.

Sasamahan ni Guce, 33, anak ng dating top Pinoy horserace jockey, sa susunod na taong world premier ladies circuit si Bianca Isabel Pagdanganan na kakwadra sa ICTSI nina Del Rosario at Ardina. Nakapasok siya bilang top 100 performer sa katatapos na 74th LPGA Tour 2023.

Ito ang ikalawang full-season status pa lang ni Guce makaraan noong 2019 kung saan tumabla siya sa unang edisyon noon ng Q-Series. (Ramil Cruz)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on