WebClick Tracer

SPORTS

Eya Laure, Chery papalagan Cool Smashers

Mga laro ngayon

(PhilSports Arena)

4 pm – Choco Mucho vs Cignal

6 pm – Chery Tiggo vs Ccreamline

Mag-isang binalikat ni Ejiya ‘Eya’ Laure ang fourth seed Chery Tiggo sa 18 points sa likod ng 17 attacks sa straight-set loss kontra top seed, defending champion Creamline sa 6th PVL 2023 2nd All-Filipino Conference best-of-semis Game 1 noong Huwebes.

Itotodo ng Crossovers sa paggiya niya ang nalalabing werpa pagsambulat ng Game 2 ngayon (Sabado) simula sa alas-6:00 ng gabi sa PhilSports Arena, Pasig upang bulilyasuhin ang martsa ng Cool Smashers sa finals sa paliga ng Sports Vision Management Group, Inc.

At higit sa lahat mabigyang daan ang winner-take-all bukod pa sa paghirit ng Chery sa karibal na dinalawahan na sila, kasama ang four-set defeat noong Nov. 28 sa torneo na mga suportado ng Bola.TV, Beyond Active Wear, ASICS at Mikasa.

Ineere ang mga laro sa PVL.ph, Pilipinas Live, OneSports at OneSportsPlus, kailangang mag-level up din ang angas nina Mylene Paat at Czarina Carandang na kapos ang saklolong tigsiyam na puntos kay Laure sa huling salpukan.

Pero desidido si Alyssa Valdez & company na itiklop na ang serye ‘di lang para makapalaot na sa finals kundi pahabain pa ang imakuladang markang 12-0.

(Gerard Arce)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on