WebClick Tracer

METRO

Harurot na pampasaherong jeep bumaligtad

Ilang araw pa lang matapos ang aksidenteng pagkahulog ng pampasaherong bus sa bangin sa Hamtic Antique, panibagong aksidente muli sa kalsada, sa nasabing probinsya ang nangyari kung saan kitang-kita sa video kung paano bumaliktad ang isang pampasaherong jeep sa national road sa pagitan ng Brgy. Supa at Barangay Badiang sa bayan naman ng San Jose nitong Miyerkoles.

Sa kuha ng CCTV kitang matulin ang jeep at tila may kahabulang isa ring jeep.

Subalit nagipit ito sa nasa unahan nitong multicab kaya kinabig ng driver pakanan ang sasakyan at nawalan ng kontrol kaya tuluyan itong tumagilid sa kanal.

Hindi naman nahagip ang multicab at ang isang motorsiklo na nasa kanan ng highway.

Ayon sa mga awtoridad, masuwerteng walang pasahero ang naturang jeep nang mangyari ang aksidente at ligtas naman ang driver na nagtamo ng ilang mga sugat.

(Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on