WebClick Tracer

SPORTS

Jed Olivarez, Fritz Verdad pa-finals

Nagbabadyang magpang-abot sa finals sina top seed Eric Jed Olivarez at No. 4 Fritz Verdad pagkaraang sibakin ang mga karibal sa Rep. Edwin Olivarez Cup Tennis Open nitong Huwebes sa Olivarez Sports Center, Sucat, Parañaque.

Dinispatsa ni Olivarez si Marco Macalintal, 6-2, 6-0, para itakda ang pakikipagtuos sa semifinals kay fifth-ranked Eric Jay Tangub, pumoste ng kumbinsido ring panalong 6-2, 6-3 kontra Justin Suarez sa upper half ng 64-player draw.

Kumawala naman si Verdad sa nakakatakot na opening set bago dinomina si Andre Alcantara sa kasunod tungo sa 7-6(1), 6-1 tagumpay. Sunod sa veteran campaigner si second seed Vicente Anasta para sa silya sa finals ng Group A tournament na presentado ng Dunlop.

Umabante si Anasta sa 5-7, 6-4, 3-0(ret.) win laban kay Noel Damian sa 10-day men’s Open singles championship na suportado ni Mayor Eric Olivarez, ng Palawan Pawnshop, Slazenger, Dunlop at MTE Tennis.

Dinemolis ni Jed Olivarez si Verdad sa MITF Open finals sa Iloilo noong November bilang pagresbak niya sa semifinal loss sa Mayor Eric Olivarez Cup National Open na pinagharian ni absentee Alberto ‘AJ’ Lim Jr. sa OSC, Paranaque rin noong August.

Swak din ang 25-anyos na si Olivarez sa men’s doubles at pakner Nilo Ledama na tinibag sina Jude Ceniza at Dhea Talatayod, 6-2, 6-3, at ihulma ang semis showdown kina Anasta/Damian, na tinabig sina Miguel Iglupas/Pascua, 7-5, 3-6, 10-7.

Pinalakas din ni Verdad ang misyong ‘double’ sa pagtambal kay Rolly Saga na pinasibat sina John Renest Sonsoa at Tangub, 6-1, 6-2, para maitakda ang laban kina Jose Maria Pague/Bryan Saarenas, na kinalos sina Lance Fernandez/Bryst Libao, 6-3, 6-2.

Sa Legends division, sulong sa semis 45s category sina JD Benitez, Ivan Torrecampo, Aldrin Geluz at Roy Tan, sokpa rin si Geluz sa Last 4 ng 35s class, kasama sina Arvin Ruel, Chat Conta at Rollie Anasta.

At sa juniors play, binulaga ni Andre Alcantara si top seed at multi-titled Brice Baisa, 6-1, 6-2, para tumapak sa semis boys’ grand slam tournament na parte sa matagal ng talent-search na binuo ni Palawan Pawnshop president/CEO Bobby Castro. Sunod sa landas niya si Sherwin Nuguit, na wagi kay John Amora, 6-1, 4-6, 10-2.

Pagrarambulan din nina Ariel Cabaral at Al Tristan Licayan ang isa pang final slot pagkakaldag kina Gerard Manigque, 6-3, 6-0, at Gavin Kraut, 6-0, 6-2, ayon sa pagkakasunod, sa torneong mga pinapadrinuhan ng ProtekTODO, PalawanPay, Unified Tennis Philippines at Universal Tennis Rating.

(Abante TONITE Sports)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on